Ronald Ramos – Ang Aking Pagkatao at kung Bakit ko Pinasimulan ang paboritongonlinecasino.com

Ronald Ramos – Tagapagtatag ng paboritongonlinecasino.comMaligayang pagdating sa ating website!

Ako si Ronald Ramos, at ako ang nagpasimula ng paboritongonlinecasino.com. Hayaan ninyong ipakilala ko ang aking pagkatao sa inyo, at kung bakit ninyo mapagkakatiwalaan ang mga impormasyon na narito.

Mula sa aking pagkabata, nawili na ako sa mga istorya tungkol sa pagiging mayaman. Madalas, ang binabasa ko noon ay yung mga kwento kung saan nagiging boss yung bida sa bandang huli. Kaya mula noon, itinatak ko sa aking isipan na balang-araw eh dapat maging sobrang yaman ko rin.

Kaya’t nang lumaki ako, nahilig ako sa pagsusugal at sa casino. Dahil dito, naging bihasa ako sa mga sistema nila. Ngayon, halos labinlimang taon na akong manlalaro ng casino sa Pilipinas.

Kung ating babalikan, ang aking buhay ay umikot sa kagustuhan maging mayaman. Dahil sa aking malaking interes sa pagiging mayaman, noong 2001 ay sinimulan kong pag-aralan ang sistema ng pagsusugal. Masusi kong binasa at sinuri ang bawat laro, at kung paano mas manalo ng mga premyo.

Nang sumunod na taon, sinimulan kong tumaya sa mga lotto at sa iba pang sugal. Pero hindi ako nakuntento sa aking maliliit na panalo. Noong 2003, sinimulan ko na rin maglaro sa mga mamahaling casino sa Maynila at lalong lumago ang aking kaalaman sa paglalaro. Doon ko nakilala ang mga mayayamang manlalaro na naging kaibigan ko rin.

Paano Malalaman ang Pinakamahusay na mga Casino sa Pilipinas

Ngayong alam niyo na ang aking karanasan, marahil ay alam niyo na rin ang dahilan kung bakit ko pinasimulan ang website na ito. Parte na ng aking pagkatao ang pagsusugal at ang mga casino. Siguro, masasabi ko na ring napakalaking parte ng aking buhay ang ginugol ko sa paglalaro.

Kung ang ibang tao ay mayroong pagnanasa sa ibang mga bagay tulad ng musika at sining, ang aking pagnanasa naman ay sa pagsusugal. Hindi ko ikinahihiya ito, bagkus, gusto kong makatulong sa mga taong kapareho ko rin ang pag-iisip.

Noong nagsisimula akong mag-aral sa sistema ng pagsusugal, wala akong katulong at kasama. Napakahirap kapag mag-isa ka lang nag-aaral. Bukod sa pagiging baguhan, mapusok din ako sa paglalaro at sa pagtaya.

Dahil dito, malaki-laki ring pera ang aking naipatalo. Pero ngayon, natuto na rin akong kontrolin ang aking emosyon sa pagtaya ng pera. Kaya’t ginawa ko ang website na ito para matulungan ang mga manlalaro, parehong baguhan at eksperto na, sa mga sistema ng casino.

Naniniwala akong magiging malaking tulong ang mga impormasyon na makikita at mababasa ninyo sa website na ito. Inaasahan ko ring marami kayong mapupulot na detalye tungkol sa pinakamahusay na mga casino sa Pilipinas at kung paano maglaro nang ligtas.

Sinuri ko Ang Maraming Casino Website sa Buong Mundo

Sa aking malawak na karanasan sa paglalaro at pagsusugal, hindi lamang ang sitwasyon sa Pilipinas ang aking sinusubaybayan. Nakita ko rin ang unti unting pagsulpot ng napakaraming mga casino website sa buong mundo. Ang mga website na ito ay mayroong mga detalye na tungkol sa mga laro ng casino sa bansang kanilang pinagmulan.

Nagkaroon ako ng pagkahumaling sa mga casino website na ito at sinubaybayan ko sila. Dahil dito, natuto ako ng mga impormasyon lalo na sa mga pangunahing mga laro at programa sa mga casino sa America. Kadalasan na, kapareho rin ang ilang mga laro dito sa Pilipinas sa mga malalaking mga casino sa Las Vegas.

Madalas ko ring tingnan ang mga casino website ng mga ilang kapitbahay natin sa Asya tulad ng Macau at Malaysia. Napakaraming mga casino sa mga lugar na ito, at nagsimula na rin akong magsugal sa mga ito. Oo, hindi lang ako nagbasa ng kanilang mga website kundi naglaro na rin ako sa mga sikat na casino sa kanilang bansa!

Mula nang aking madiskubre ang mga site na ito, sinubaybayan ko na ang kanilang bawat nilalaman. Nakatulong din ito sa akin upang mas magkaroon ng interes na mabigyan rin ng kaparehong serbisyo ang mga Pilipinong mahilig sa paglalaro.

May Katanungan ka ba Para sa Akin?

Maraming salamat sa iyong pagkanaririto! Ikinagagalak ko ang iyong presenya. Kung mayroon ka pang mga tanong, lubos akong nasisiyahan na sagutin at tulungan ka.

Pakisuyo, huwag kang mahihiya na kumontak sa akin. Narito ang talaan ng mga paraan para makontak ako. Kung gusto mo pang matuto, mag-usap tayo sa ating personal na mensahe.

Pahina sa Pagkontak ng paboritongonlinecasino.com